Travel Blog
Ang aking karanasan sa Church of San Agustin Church
Isang napakaganda at hindi kapani-paniwalang karanasan ang aking naranasan nang ako'y pumunta sa Intramuros. Para akong nasa isang kaharian ngunit sa totoo lang ay nakakita ako ng isang malaki at kahanga-hangang simbahan. Simbahang kung titingnan ay nakatayo na mula pa noon. Sa itsura, estilo, kulay at disenyo nito ay masasabi mo nang kakaiba ito. Noong una'y parang natulala pa ako sa ganda noong unakonginapakangakingmgapaasaloob. Pero unti-unti ay nahimasmasan din ako. Gustong gusto kong tumakbo at libutin ang buong paligid noon. Pero ang totoo ay naglakad-lakad lang ako at sinimulang tingnan ng dahan-dahan ang bawat upuan, dingding at iba pa. Ninamnam ko ang bawat sandali. Noong mga oras na yon ay parang kusang hinanap ng mga kamay ko ang cellphone at nagsimulang hanapin ang kasaysayan ng simbahan.
At hindi nga ako nagkamali ng akala. Sa pagkakatayo at tindig ng simbahan ay nakatayo na pala ito noong Ikalawang pandaigdigan na labanan noon. Akalain mo nga namang isa pala ang simbahang napuntahan ko sa mga hindi masyadong nagalaw ang disenyo o mismong itsura nito noon. Nakakahanga at lalo pa akong napangiti sa nalaman. Ang lalo ko pang ikinatuwa ay ang madali at nakakatuwa kong byahe papunta.
Simula sa aking tahanan ay naglakad ako palabas papunta sa malapit sa Silang Premier upang humanap ng bus na masasakyan. Sa mga bus na dumadaan ay Lawton ang aking sinakyan. Dinamdam ko ang hangin nang ako'y makasakay at inabot na ang aking bayad. Naghintay lang ako na mapadaan sa Pala-pala, Dasma Walter at iba pa. Nang nagpatuloy ang aking byahe noon ay hindi ko namalayang lawton na pala nakatigil ang sasakyan kaya pala nagsisimula nang sumigaw ang kundoktor. Halos isa't kalahati lang ang oras ng byahe dahil wala gaanong mabigat na trapiko noon. Tumayo ako at nagsimula nang maglakad pababa ng bus. Naglakad lang ako papuntang harap galing sa mga babaan ng bus. Pagkatapos ay tumawid na ako at hinanap ang jeep na sasakyan paintromuros. Nang makasakay ay muli akong naghintay ng ilang saglit. Siguro ay mga sampung minuto lang iyon dahil mabilis lang naman at nang makababa ay naglakad na ako at nakakita ng malaking gate. Pumasok ako doon at ilang hakbang lang ay natanaw at nakita ko na ang San Agustin Church. Doo'y tuwang tuwa akong tinanaw at kinuhaan ang aking sarili habang tanaw sa likod ko ang Simbahang iyon.
Comments
Post a Comment